Miyerkules, Pebrero 22, 2017

MAG HUMSS KANA!



           

            Humanities and Social Sciences (HUMSS). Ito ang pinili kong strand at hindi ako nagsisisi na ito ang pinili ko. Sa strand na ito, aking nakilala ang pagkakaiba-iba ng mga tao sa mundo, lalo't higit sa aspeto ng relihiyon.


Discipline and Ideas in Social Sciences. Ito ay isa sa aming specialization, mga HUMSS students, na kung saan pinag-aaralan namin ang ibat ibang uri ng tao, kung paano namin sila pakikisamahan, mga pagbalik tanaw sa pamumuhay noon at marami pang iba. Isa sa pinaka gusto kong tinatalakay dito ay ang sikolohiya o psychology na kung saan ituturi sa iyo ang iba't ibang pamamaraan para iyong makilala ang katangian ng isang tao.

Isa pa sa aming specialization subject ay ang Introduction to World Religions and Beliefs System, na kung saan pinag-aralan namin ang 8 major world religion, natuklasan ko rito ang iba't ibang uri ng Diyos sa mundo, at ang mga ugali ng bawat relihiyon.


Dahil pinili ko ang HUMSS at napag-aralan ko na ang Discipline and Ideas in Social Sciences, pagdating ko sa kolehiyo ay maaari akong mag-take ng Psychology, na maaari ring mag trabaho bilang guro, o head ng Human Resource ng anumang kumpanya. In demand ngayon ang psychologists sa iba't ibang kumpanya sa mundo dahil ang mga psychologists ay ang nasa Human Resource, na kumikilatis sa mga empleyado.

Kung anng hilig mo naman ay ang pagsulat, meron din sa HUMSS ng Creative Writing at Creative Non-fiction, na kung saan kung seseryosohin mo ito, sa huli ng semester ay maaari kanng maging tao. Tuturuan ka dito kung paano sumulat ng kwento, tula, at iba pa.

         Kung mag-a-out of the country ka naman, magagamit mo ang pagaaralan mong Introduction to World Religions sa pamamagitan sa pamamagitan ng pagiging handa. Alam mo na dapat ang ugali ng mga tao sa bansang iyong pupuntahan. Halimbawa, pupunta kang Thailand, ang mga tao doon ay karamihan mga Buddhist. Kung napag-aralan mo na sila, hindi kana mahihirapan kung paano sila pakikisamahan.


Kung ang nais mo talaga ay maging sikat na writer hindi ka nagkamali na pinili mo ang HUMSS Strand, dahil dito nga ay may specialization subject na tungkol sa creative writing na kung saan magiging bihasa ka sa pagsulat.

Sa HUMSS maaari kang maging isang guro. Dito rin maaari kang maging isang tanyag na lawyer, dahil dito pag-aaralan mo ang Philippine Politics and Governance. Maaari ka ring maging isang pulis, maging social worker, at napakarami pang iba, na maaari mong pangarapin ngayon.

Isa sa pinaka gusto ko sa HUMSS ay hindi gaano mahirap ang Mathematics at Science, hindi gaya sa STEM na tatlo ang math, tatlo pa din ang science.
r, at napakarami pang iba, na maaari mong pangarapin ngayon.


NAKAKALUGAW! Magiging focus ka talaga sa specialization mo diti sa HUMSS dahil walang bagay dito na hindi mo kailangan.


           Napili ko ang HUMSS dahil alam ko talaga para ako dito. Hindi ko ito pinagsisisihan. Gusto ko kasinv makilala ang iba't ibang uri ng tao sa paligid ko, nang sa gayon ay magkakaunawaan kami at hindi magakakaroon ng hindi pagkakaintindihan. At, magkakaroon ako ng magandang relasyon sa ibanng tao.






3 komento:

  1. aku po si alvin na nakapagtapus ng jhs sa kursong smaw ngayun pung susunod na pasukan nagdadalawang isip po aku na baka mag humss aku pero dipo ito related sa kurso ko noong jhs
    marami po kasing nagsasabi na mahirap daw pag humss kinuha mo totoo po ba dapat daw english speaking pag humss kaya po aku nagdadalawang isip kasi po dipo aku masyadong marunong mag english anu po bang kailangan kung gawin

    TumugonBurahin
  2. aku po si alvin na nakapagtapus ng jhs sa kursong smaw ngayun pung susunod na pasukan nagdadalawang isip po aku na baka mag humss aku pero dipo ito related sa kurso ko noong jhs
    marami po kasing nagsasabi na mahirap daw pag humss kinuha mo totoo po ba dapat daw english speaking pag humss kaya po aku nagdadalawang isip kasi po dipo aku masyadong marunong mag english anu po bang kailangan kung gawin

    TumugonBurahin